Tag Archives

Posts with Tagalog Blog Entries tag.
Umasa – Isang Lason na Dapat ng Wakasan

Hindi ba lagi nating naririning ang salitang, “Huwag ka Kasing Umasa”.

Maririning mo ito sa opisina. Yung mga taong umasa na sila ay ma-promote pero hindi nangyari o hindi naman kaya naghangad silang makakakuha sila ng malaking bonus ngunit wala silang natanggap.

Sa kwentong pag-ibig, maririning mo rin ito. Umasa ka na mahal ka rin niya. Umasa ka na sasagutin ka niya pero drawing lang pala. Umasa ka na dahil tinawagan ka niya eh na miss ka niya pero ganun din pala siya sa iba.

Ano pa? Sa eskwelahan, habang tayo ay nag-aaral. Umasa ka na ipapasa ka ng professor mo na laging ngumingiti sa iyo pero ikaw ay binagsak. Umasa ka na akala mo mag best friend na kayo ng seat mate mo pero iba pala ang best friend niya.

Saan pa ba ito makikita? Tuwing Pasko! Umasa ka na may ibibigay na regalo sa iyo ang iyong ninong o ninang o hindi naman kaya malaking ampaw ngunit AMPAW lang pala talaga na wala namang laman!

Ano pa? Umasa sa magulang mo na sila ang mag-aalaga sa anak mo habang ikaw ay nagtratrabaho.

Umasa sa iyong asawa sa lahat ng gastusin sa iyong bahay.

Umasa sa iyong nakakatandang kapatid na walang asawa na paaralin lahat ng kanyang pamangkin.

Marami ng taong UMAASA. At marami rin ang NABIGO.

Bakit?

Naniniwala ako, na ang UMAASA sa ibang tao ay walang katiyakan o katuparan. Ngunit ang UMASA sa iyong sarili, sa iyong kakayahan, sa iyong abilidad, ito ay isang bagay na hindi ka bibiguin kailanman.

Tignan na lang natin ang ganitong halimbawa:

Nakasakay ka sa dyip at biglang sumikip ang kalsada. Alas-singko na ng hapon, labasan ng maraming tao at ikaw ay natrapik. Anung gagawin mo? Marami sa atin ang umaasa na sana mawala na ang trapik. Marami sa atin ang ayaw pa bumaba ng dyip kahit MALAPIT na tayo sa ating destinasyon dahil umaasa tayong gagalaw na ito at mawawala na ang trapik. Ayaw natin bumaba kasi masarap umupo at maghintay.

Ngunit, naisip mo ba? Paano kung bumababa ka na lang ng dyip na iyon, ikaw ay umasa sa iyong sariling enerhiya at kakayahan? Paano kung nilakad mo na lang ito hanggang dumating ka sa iyomg destinasyon kahit hindi man ganoon ka komportable?

Ang buhay ay parang pagsakay sa dyip na ito. Madalas, marami sa atin, mahilig tayong umasa at iasa sa iba ang maraming bagay. Ngunit nakakalimutan na natin, na ang pinaka importanteng tao na may kontrol tayo ay walang iba kung hindi ang ating SARILI.

Sa bandang huli, hindi mo pwedeng sisihin ang drayber ng dyip dahil trapik. Hindi mo rin pwedeng sisihin ang iyong boss kung hindi ka niya i-promote. Lahat ng bagay na nangyayari, walang ibang dapat sisihin kung hindi IKAW.

IKAW ang nagtulak sa sarili mong umasa sa ibang tao at ibang bagay.

Sabi nga nila, kung tayo ay laging aasa sa ibang tao, paano matutuwa ang mga taong iyon sa atin? Dapat nating unawain na ang ating buhay, tayo ang may responsibilidad. Hindi obligasyon ng magulang mo na alagaan ang anak mo dahil sa iyong maagang pagbubuntis. Hindi rin obligasyon ng kapatid mo na bigyan ka ng pera dahil inubos mo ito lahat sa iyong bisyo, hindi mo dapat ikasama na mababa lang ang iyong nakuhang increase sa sahod sapagkat hindi ka naman talaga nagtratrabaho ng maayos.

Hindi ka nila obligayson. Obligasyon mo ang iyong sarili. Matuto kang huwag umasa ngunit hindi mawalan ng PAG-ASA na aahon ka sa iyong buhay at magkakaroon ng magandang kinabukasan.

Huwag kang umasa sa iba, dahil mapapagod din silang tulungan ka. Mapapagod din silang magbigay. Sila rin ay may sariling buhay.

Tandaan mo, ginawa ka ng Diyos upang maging responsableng mamamayan. Hindi ka ginawa upang maging pabigat sa mundong ito.

Tama ng ang salitang ASA. Tama na ang pagiging dependent natin sa ibang tao. Iba ang nagtutulungan sa nag gagamitan. Iba rin ang humihingi ka ng tulong sa nag aabuso na ng tulong ng ibang tao.

Matuto ka!

~

Salamat sa pagbasa nito. Kung may gusto kayong iwang mensahe o kung hindi kayo sang-ayon sa sinabi ko, mag komento lang sa ibaba.

Hanggang sa muli!

10 Money Saving Hacks for your Next Travel!

Well, well, well, sa dami ng mga kaibigan natin na pumapasyal sa maraming dako ng mundo, isa rin sa mga pangarap natin kahit papaano ay ang puntahan ang mga bansang hindi pa natin napupuntahan o malibot ang Pilipinas at ang kaakit akit na tanawin nito. Ngunit, siyempre, gusto rin natin makasulit di ba? Hindi naman tayo nabubuhay sa pamamasyal lamang at may mga bagay pa na kailangang din gastusan.

Kaya naman ito, basahin niyo ang aking 10 Money Saving Hacks for your Next Travel:

  1. Sundan ang mga social media accounts like facebook accounts or facebook pages ng iyong paboritong airlines at buksan ang “notifications” sa mga airlines na ito.  

Kapag naka turn-on ang notifications, ito ay mag pprompt agad sa notification tool bar mo tulad ng pag-prompt kapag may nag comment sa iyong post at may sneak peak ka na sa mensahe ng notifications. Dahil dyan, hindi mo na kailangang buksan pa ang page nila palagi.

Well, napansin ko lang, bawat airlines ay may kanya kanyang promotion na mas sulit kaysa iba. Tulad ng mga ito:

  • Philippine Airlines – lower international flights promotions
  • Cebu Pacific – lower international and local flights promotions
  • Jetstar – lower flights to anywhere in Japan
  • Air Asia – lower flights to Taipei
  • SkyJet – lower flights to Basco, Batanes

At dahil nga naka turn on ang mga notifications ko sa mga airlines na yan, heto ang isang ebidensya na aking na-book na murang tiket papuntang Taipei, Taiwan. Sa halagang Php 2588.00 (Php 5176 divided by two), may roundtrip ticket ka na! Hindi yan magik! Diskarte lang yan!

Tada!

Pro-Tip: It pays to go directly to the website of your airline of choice than to rely on third party providers because most of the time, they have additional charges too.

  1. Tignan ang iyong 2018 na kalendaryo para sa mga long weekends o holidays!

Bakit? Simple lang, mas maikling vacation leave mas okay at mas sulit! Pangalawa, mas magandang planado na rin agad kung saan ka pupunta sa mga long weekends na ito kaysa book ka lang ng book at tina-try mo ipagkasya ang pamamasyal sa napakaikling panahon lamang. Hindi ka mag e-enjoy pag BITIN!

Isa pa, madalas ang mga airline companies na ito ay nagpapa-promo o seat sale tuwing may holiday na importante, tulad na lang ng Bagong Taon o Araw ng Kalayaan kaya maging mapag mapagmatiyag sa mga holiday dates. Pero tandaan, tignan din ang travel period, asahan mo na pag may seat sale, medyo malayo pa ang travel dates nito lalo na pag PISO sale.

Pro-Tip: I-file ang vacation leave in advance para hindi masyado mapansin ng iyong boss.  O i-file mo ito pag may nagawa kang maganda sa trabaho mo. Pag good mood si boss mas mabilis ang approval!

  1. Magsama ng kaibigan, kahit isa o dalawa lang.

Uso naman ang solo traveling lalo na kung broken-hearted ka o kailangang mag soul searching o mag muni muni sa mga bagay tungkol sa iyong buhay.

Pero pero pero, mas mainam na may kasama ka. Hindi lang dahil para sa iyong kaligtasan kung hindi mas makakatipid ka rin kung may kahati ka sa hotel/hostel o apartment na iyong tutuluyan. At of course! Mahirap din kumuha ng litrato na puro selfie unless vlogger ka na may nakahandang camera stand para sa mga litrato mo. Iba pa rin pag may kasama, mas hindi sayang ang view at mas mabilis ang gumawa ng pose!

Pro-Tip: Isama mo yung hindi maarte mamasyal at marunong din magtipid! Nagsama ka nga ng kaibigan, magastos naman at madalas agad mapagod sa kaunting lakad lang. Hahaha!

  1. Sumali sa Loyalty Reward Points ng mga airlines.

Anung ibig sabihin ko? Bawat airlines ay may loyalty rewards na tinatawag sa tuwing ikaw ay mag b-book ng flight o sa tuwing ikaw gagamit ng credit card na naka partner sa kanila. Halimbawa:

GetGo Membership Card – para sa Cebu Pacific Flight at lahat ng credit cards na naka tie-up sa Cebu Pacific.

*Ibig sabihin, sa tuwing gagamitin mo ang credit card mo na naka tie-up sa Cebu Pacific, kumikita ito ng puntos na pwede mo i-convert sa GetGo Points na magagamit mo rin pambili ng flights!

Mabuhay Miles Card – para sa Philippine Airlines Flights at lahat ng credit cards na naka tie-up sa Philippine Airlines.

At iba pa! Magiwan ng komento kung may nakaligtaan ako. Makakatulong ka sa iba nating readers!

Nung nakaraang taon lamang lang ay nag promo ang GetGo, 10 GetGo Points Anniversary Sale. Sa 10 points lamang, pwede ka ng makapunta kung saan saan. Nag try ako mag book at heto kapatid ang katibayan. Isn’t it amazing?

Sa 20 GetGo points lamang at Php 2200.00, may roundtrip ticket ka na sa Bangkok! Saan ka pa? Ayan kitang kita naman diyan ang aking pangalan.

Pro-Tip: Mag focus sa isang klaseng reward card lamang para sulit. Parang kape lang yan: kung Starbucks stickers,  yun lang dapat para mas mabilis makapag claim ng gift.

  1. Mag-book pag off-season

Siyempre, pag mas matumal ang negosyo mas mababa ang demand, mas hindi rin tataasan ng airline company ang tickets mo sa mga araw na hindi naman kaakit akit mamasyal. Usually ito ay weekdays o pwede rin naman na rainy days at mga araw na chill lang.

  1. Mag-experiment ng mga araw

Matalino ang mga airlines na ito, minsan sasabihin nila na may seat sale pero pag tinignan mo na, wala ka ng makikita na promo rates.

Huwag mangamba, kalma lang. I-check ang iba pang mga buwan at araw at malamang, yung mas malalayong buwan at araw ang may mas mababang airline ticket costs.

  1. Abangan ang mga Travel Fairs!

Yes! Last last year, 2016, ako ay nakapag book ng tiket papuntang Batanes dahil sa Travel Fair na ginanap sa SMX Mall of Asia. Ito ang katibayan. Alam ko hindi ito sobrang mura sapagkat ako ay bumista ng ikatlong araw na. Pero kung titignan mo, mura pa rin yan lalo na at round trip ticket na!

  1. Magbasa ng Travel Blogs

Ito ay ang mga travel blogs na sinusundan ko. Marami silang tip at magagandang itinerary na pwede mo ring sundín para hindi ka na mapagastos pa sa mga tour services.

May mga Facebook group din na nauuso ngayon kung saan pwede ka sumama sa mga local tours na group tours sa napakamurang halaga lamang. Tulad ng sumusunod:

 

  1. Planuhin ang Paglakbay at Kaakibat na Gastusin nito

Huwag daw travel now, pulubi later. Or swipe now, baon sa utang later. Tsk.

Yes! Maganda if pinaplano rin ang pag-alis at pinag-IIPUNAN. Kasi pag ang isang gastusin ay nakaplano, hindi nakaka-guilty at masaya di ba?

So kung plano mong pumunta sa Japan sa December, mag allot ka na ng travel fund mo para doon ngayon pa lang. Huwag pabigla bigla. Kung may mga kasama ka, sabihan na rin sila. At tandaan, kung lahat naman kayo ay nagtratrabaho na, nararapat lang na KKB kayo.

Maganda ring planuhin na ng mas maaga ang pag-alis. Better to plan it at least 3 months or more in advance para makatipid sa hotel accommodations at mapag aralan ng mabuti ang pupuntahan.

Pro-Tip: I-set aside mo rin ang budget na kailangan at huwag magdala ng sobra sobrang pera. Kung magdadala ka ng credit card siguraduhing lagyan ito ng limit for purchases abroad o di naman kaya, dalhin mo na lang ay isang prepaid credit card para sigurado kang monitored ang iyong pag gastos.

          10. Be a Traveler not a Tourist

Anu ang ibig ko sabihin? Pag may pinuntahan ka na bansa, mas maigi na pag-aralan mo ang kultura ng bansa na iyon, kumain ng kanilang tradisyonal na pagkain at pag-aralan kung paano mamuhay ang mga lokal doon.

Hindi ka pumunta sa Japan, HongKong o Bangkok para mag-shopping lamang o pumunta sa France o Europe para bumili ng branded bag. You travel to experience the place and the culture not for shopping therapy.

Ayan! Sana may natutunan ka sa tips ko! Hanggang sa muli! =)

Leave a comment below and share your thoughts.

I would love to hear from YOU.  =)

Also, if you haven’t done so already, be sure to sign-up for our free newsletter to receive new articles like this in your inbox each week.

3 Kwento ng Paghihintay – Trabaho, Pagyaman at Pag-Ibig

Sa panahon ngayon na halos lahat ng mga tao ay nagmamadali, iniisip ko, may tao pa kayang marunong maghintay at mag pasensya. Narito ang aking 3 kwento ng paghihintay – sa trabaho, pagyaman at pag-ibig.

Sa trabaho:

Sa dami ng mga millenials ngayon na palipat lipat ng trabaho, naisip ko tuloy, mas matatalino na ba talaga ang mga kabataan ngayon kaya pakiramdam nila ay kailangan na nila agad ng trabaho na may malaking sweldo?

Sa totoo lang, marami akong mga kakilala na palipat lipat ng trabaho at minsan naiisip ko, bakit nga ba?

Ito ba ay dahil masyado tayong naiinip saan? Sa promosyon? Sa pagtaas ng sweldo? Sa bagong benepisyo?

Pero naitanong ba natin muna sa sarili natin ang mga ito?

Gaano ba ako kadalas pumasok ng nasa oras at paano ko ba ginugugol ang oras ko sa aking trabaho?

Ginagawa ko ba ang lahat ng dapat kong gawin at tintignan ang trabaho ko ng may malasakit at respeto?

Nalalaman ko ba na ang pagkakaroon ng trabaho ay isang regalo ng Diyos kung kaya dapat ay matuto akong alagaan ito at huwag abusuhin?

Sinisikap ko bang maging mabuting empleyado at hindi ko ba nininakawan ng oras o maging kagamitan ang aking kumpanya?

Sa tingin mo ba, karapat dapat ka ba talagang bigyan ng pansin at halaga?

Kung sa tingin mo ay ginagawa mo naman ng tama lahat, huwag kang mainip.

Naniniwala ako na lahat ng bagay may tamang oras. Bigyan mo ng ultimatum ang Panginoon natin. Subukan mo siya. Pero wag na wag mong babaligtarin ang sitwasyon na ang kumpanya mo ang may pagkukulang sa iyo.

Tandaan natin ito, lahat ng bagay ay pinaghihirapan. Hindi mo makikita ang totoong halaga ng trabaho mo kahit mag palipat lipat ka pa ng ilang beses kung hindi ka marunong maghintay at makuntento.

Natatandaan ko noon, Assistant Manager ako sa BPI, nauna ma-promote yung kasama ko. Nung una medyo nainggit ako pero inisip ko tama naman kasi, mas marami siyang nagawa. Sabi ko, gagalingan ko pa.

Nung oras na i-popromote na ako, akalain mong may mga naging balakid pa. Nagkaproblema ako sa isang bank account. Pero sa totoo lang pinaubaya ko na sa Diyos. Na delay ang promosyon ko ng halos isang taon. Ni minsan hindi ko kinulit yung amo ko. Sabi ko na lang ibibigay niya yan sa tamang panahon.

At alam niyo? Binigay niya nga. Lahat talaga ng bagay may tamang oras kasi pag binigay niya sa iyo iyon ng hindi ka pa hinog at masyado mong minadali, ikaw rin ang mahihirapan at mapapaso.

Doon ko rin natanto na marami pa naman palang ibang bagay na gusto ng Diyos na pagtuunan ko siguro ng pansin ng mga panahon na iyon kaya hindi niya pa binibigay agad.

Kaya ikaw, kapit ka lang.

Sa pag-iipon:

Paano kumita ng pera?

Paano magka negosyo?

Paano yung double your money?

Sa dami ng taong gustong yumaman agad, imbis na lalo tayong kumita, lalo tayong nabubutata!

Ang problema kasi sa mga tao ngayon akala ang pera tumutubo lang sa kung saan o basta napupulot sa daan o nahihingi sa magulang.

MALI.

Hindi sa pagyayabang.

Ako may lahing intsik pero hindi kami mayaman. Kami siguro ang intsik na walang negosyo. Byuda na rin ang nanay ko. At kahit hindi pa sya byuda noon, broken family na rin kami.

Tulad nga ng naikwento ko sa buhay ko, natuto akong magtipid dahil sa kagustuhan kong tumulong sa nanay ko.

At mula ng nagtrabaho nga ako, ni singkong duling eh hindi na ako humingi ng pera sa nanay ko.

Bakit?

Una, nakakahiya, malaki na ako, bente uno, pwede na ngang mabuntis at magka pamilya. Kaya dapat marunong na akong kumita at mag-ipon. Para saan pa na nag-aral ako kung iaasa ko rin?

At yun na nga ang ginawa ko. Unti-unti nag-impok ako at yung naipon ko habang lumalaki, lalo akong ginaganahan. Hanggang sa naabot ako ang isang milyon.

Doon ko nga naisip. Hindi pala imposible. WALANG IMPOSIBLE SA TAONG NAGSISIKAP.

Wala man akong mapagmamalaking negosyo, PROUD pa rin ako dahil, may sarili akong laptop, cellphone, bag, damit, pati bed mattress ko ako bumili. Meron na rin akong stocks, unit investment trust funds, emergency fund at insurance with critical illness benefit. Nakakatulong din ako sa bahay sapagkat ako ang nagbabayad ng aming kuryente. Nakaka travel na rin ako domestic man o international.

Mayaman na ba ako? Ang yaman kasi para sa akin hindi nasusukat sa pera lang. Ang yaman nasusukat sa laman ng puso mo at sa kung anu ang pinahahalagahan mo sa buhay.

Siguro masasabi kong MAYAMAN ako. MAYAMAN sa pagmamahal ng Diyos sa akin, ng aking INA at PAMILYA, mga KAIBIGAN atbp.

Masasabi ko rin na ang isang taong walang utang at nililinlang na tao ay MAYAMAN din na tao.

Ngayon, tingin nyo ba makakamit ko ito pag hindi ako marunong maghintay?

HINDI. Dapat matuto ka talagang MAGTIIS.

Kung tulad siguro ako ng ibang tao na gusto agad magpasikat o mag panggap na mayaman marahil ay hindi ko masasabing MAYAMAN ako ngayon. Marahil ay nag invest na ako sa mga SCAM. Pero hindi inaral ko ang stock market. Nag self-study, nagsimula sa maliit hanggang sa natuto. Pwede niyo I-check dito ang mga naging financial mistakes ko noon.

At ikahuli,

Sa pag-ibig:

Ito na!

Ang mga bata sa panahong ito ay napaka pusok. Marahil dahil na rin siguro sa teknolihiya. Sa mga dating applications, mga malaswang magasin at palabas sa telebisyon atbp.

At dahil dito, marami rin sa atin ang hindi makapaghintay sa tamang tao na nilaan ng Diyos sa atin. Kaya ano ang nangyayari?

Maraming babae ang nagkakaroon ng anak ngunit walang asawa

Maraming mag-asawa ang naghihiwalay

Maraming mga relasyon ang nasisira at nagkakaroon pa ng pang-aabuso

Iniisp ko, dahil ba bilang babae tayo ay mainipin? Sa totoo lang siguro may dahilan din naman tulad ng usapang panganganak. Bilang babae, sino ba naman ang may ayaw magkaroon nga anak sa edad na mas bata pa?

Pero gagawin ba natin itong dahilan para pumasok sa mga maling relasyon o pumatol sa isang taong hindi tayo kaya buhayin o ipaglaban?

Hindi ako perpekto, pero bago ko nakilala ang mapapangasawa ko ngayon sa edad na bente nwebe, marami ring masalimuot na nangyari sa akin na hindi ko pwede maikwento lahat.

Pero may isa akong napagtanto, ang Diyos talaga, ipupukpok niya muna ang ulo mo sa pader hangga’t matuto ka sa leksyon na gusto niya at hanggang maging TAMANG babae ka bago niya ipapakilala sa iyo ang para sa iyo.

Kaya ikaw na nagbabasa nito, may mga gusto ako sabihin:

Una, huwag kang papatol sa taong may asawa na o may ka relasyon. Marami pang lalaki sa mundo promise!

Nilalagay mo ang sarili mo sa isang bagay na kahit kailan ay hindi pwede maging tama. Kung sinasabi niya sa iyo na iiwan niya ang asawa niya para sa iyo. Huwag kang maniwala. Tandaan mo, ang tunay na pagmamahal nagbibigay ng KAPAYAPAAN sa puso mo. Pag hindi ka PAYAPA. Hindi yun para sa iyo. Makinig ka sa magulang mo.

Pangalawa, huwag natin ipilit ang sarili natin sa taong hindi tayo gusto. Doon ka sa gusto ka, laging kang gugustuhin at TANGGAP ka

Sa totoo lang, ni minsan hindi ko pinilit ang sarili ko sa taong hindi ako gusto. Bakit? Bakit hindi? Bakit hindi mo gagawin? Tandaan mo ito, ang lalaki kapag gusto ka niyan, siya ang LALAPIT sa iyo at hindi ikaw! Huwag mong hayaan dumating ang oras na maabuso ka lang dahil sa alam niyang may gusto ka sa kanya.

Isa pa, ang LALAKI ang nanliligaw sa babae. Huwag kang magmadali. Maghintay ka. Huwag mong ibaba ang standards mo para lang magustuhan ka niya.

Yung mapapangasawa ko ngayon, sa totoo lang hindi naman siya mayaman. Hindi sya tulad ng mga intsik na may negosyo na gusto ng mga magulang ko. Pero bakit sya?

Isa lang, HE PURSUED ME. Hindi siya na-intimidate sa akin. Naging matapang siya. Sinabi niya ang nais niya. Hindi sya PAASA. Imbis na ma insecure siya. Pinakita niya sa akin kung gaano siya ka proud sa mga achievements ko at pagiging alpha female ko.

Tinanggap niya ako bilang SMART CHINAY, KURIPOT na babae at MADALDAL na babae.

Maraming lalaki dyan nagpaparamdam sa iyo. Pero huwag mong intindihin. Pag gusto ka nila. Ipaglalaban ka nila at hindi sila maduduwag! Tandaan mo yan!

Kaya ikaw, relaks lang. Mahahanap mo rin yung katapat mo.

Ako nga nung mga oras na nagkakilala kami wala talaga sa isip ko na siya na yun. Pero ipapakita ng Diyos sa iyo kung siya talaga.

Balikan mo yung mga ugali na hinahanap mo sa isang lalaki at yun ang gawin mong guide! Doon sa listahan ko nilagay ko doon na sweet at may plano sa buhay at mahabang pasensya atbp. So far, lahat naman ng nailista ay tumugma.

Tapos tignan mo rin mga huling naging mga karelasyon mo, check mo at baka may gustong ituro sa iyo ang Panginoon doon. Marahil isang ugali na dapat mong baguhin. Marahil baka gusto niya pa makitang MAHAL mo na ang sarili mo at hindi mo ito hinahanap sa iba o marahil baka may dapat ka pang pagtuunan muna ng pansin maliban sa pag-ibig na yan!

Pangatlo, huwag maghanap ng perfect guy

Mga babae, walang lalaki na PERPEKTO. Lahat yan may pagkukulang. Kaya payo ko sa iyo, kung may lalaki na gustong ipa blind date sa iyo. GO lang. Huwag kang judgemental. Alam mo kasi nangyari na yan sa akin. Minsan, unang pagkikita pa lang sasabihin na natin agad, ayaw ko sa kanya.

Ang dating ginawa hindi para maging kayo na agad. Ginawa yan para kilalanin niyo ang isa’t isa mabuti. Kasi may mga bagay na higit sa pisikal. Yun dapat ang inaalam mo pag may ka date ka.

Maging open ka at huwag maging sarado ang iyong utak. Kasi pag hahanapin mo talaga yung IDEAL GUY mo, baka hindi mo siya talaga mahanap. At isa pa, hindi ka rin PERFECT! Okay?

 

Pang-apat, alamin mo gusto mo! Para yun ang ibigay sa iyo.

Anu ba talaga ang gusto mo? Dapat klaro ka. Huwag mong ipagdadasal na Lord, okay lang kahit tumanda akong dalaga. Mali! Kung gusto mo magkapamilya sabihin mo, dasalin mo araw araw. Huwag kang mapapagod at susuko.

Meron akong ka church mate, ang tagal na nilang mag-asawa pero wala silang anak. Pero alam mo? Alam nila gusto nila hindi sila sumuko kaya ngayon pagkalipas ng mga 10 taon sa edad na 40yrs old, nagkaanak na sila.

Kaya huwag kang magsawa magdasal at kausapin ang Diyos makikinig yan. At alam niya rin pag yung dinadasal pinaghihirapan mo. Kasi pag may pinagdadasal ka tandaan mo, hindi yan one way, two way yan! Dapat may ginagawa ka rin. Ang Panginoon, PARTNERS kayo dapat. Huwag ka ring abuso. Di ba?

Ito lang masasabi ko. Sana kahit papaano may natutunan kayo.

Matuto kang MAGHINTAY. Kasi ako may isang bagay ako na realize.

Ang Diyos paghihintayin ka, tuturuan ka maghintay, hindi dahil ayaw Niya ibigay ang bagay na iyon sa iyo, promosyon man yan, pera o pag-ibig. Ito ay dahil may silbi ang paghihintay. May bagay pa siyang gustong ITURO sa iyo na malamang ayaw mong gawin o iniiwasan mo o di naman kaya ayaw mo pa ring talikuran. Tandaan mo, pag HANDA ka na, pag HANDANG HANDA ka na, magugulat ka, ibibigay niya na sa IYO yun. Biglaan! At mapapangiti ka na lang. Mapapa buntong hininga. At masasabi mo na lang. Si Lord talaga, ON TIME!

Leave a comment below and share your thoughts.

I would love to hear from YOU.  =)

Also, if you haven’t done so already, be sure to sign-up for our free newsletter to receive new articles like this in your inbox each week.

10 Paraan Para Maka-Ipon Agad

Paano nga ba maka-ipon agad? Marami na siguro kayong nabasa na paraan pero itong babasahin niyo ngayon ay ang mga ginagawa ko talaga para maka-ipon agad.

Simulan na ang pagdami ng ipon:

  1. Huwag magdala ng maraming pera.

Dalhin lang ang pera na dapat gastusin sa isang araw. Ito ay para maiwasan ang biglaang pagbili ng mga gamit na di importante o SALE items!!! Simple lang talaga ang tip na ito pero gawin mo ng matuto.

Maniwala ka sa akin. Effective ito.

 

  1. Magtabi tuwing sweldo at mag-ipon sa passbook account!

 

I-deposit ang pera agad agad sa passbook account tuwing sweldo at iwan sa bahay!!! Mahirap kasi magipon sa ATM!!! Nakakatempt mag withdraw di ba? Affordable na ang pag open ng passbook account ngayon. Magtanong sa malapit na bangko.

 

  1. Huwag ng dalhin ang anak sa supermarket

 

Hirap tiisin talaga ng anak natin di ba? Kaya minsan maganda po na iwan na lang po natin sila if mamimili po tayo para maiwasan po ang unnecessary request at expense. Ito ay para maiwasan din ang pagkain sa labas. Hindi naman sa tinitipid natin ang anak natin. Maiintindihan din naman nila ito sa kanilang paglaki.

 

  1. Magbaon ng ULAM

 

Yes magbaon na lang po ng ulam. Bakit ulam? Kasi po mas magastos po ang ulam. Para po sa kanin, bumili na lang po tayo. Kasi di ba pag mainit ang kanin, gaganahan ka na!!! Boom!

Actually, sa maniwala kayo at hindi, hanggang ngayon nagbabaon pa rin ako at ako mismo ang nagluluto ng baon ko.

Isipin mo yun, hindi ka magbabaon at yung pera saan mapupunta? Sa umaga, itlog o hotdog plus kape na pwede mo naman ng bilhin at gawin sa bahay mo. Mag-isip isip din minsan.

 

  1. Maging masaya sa gastos ng iba!

 

Yes!! Imbis na mainggit tayo, maging masaya! Kasi habang sila ay gumagastos sa kanilang luho, tayo naman ay nag iipon para sa ating kinabukasan!!!

Sa totoo lang, ito ay isang teknik na aking ginagamit. Hindi ko alam kung epetibo ito sa inyo pero sa akin kasi oo.

Habang sila ay gumagastos sa Pasko o bonus o sa payday, ako naman ay masayang nag-iimpok.

 

  1. Wag ng sumama sa SOSYAL o pa-SOSYAL na mga kaibigan

 

Mahirap mag-ipon lalo na’t lahat ng nasa paligid mo ay magastos. Wag laging umasa sa self-control! Minsan talaga mahirap tumanggi! Kaya UMIWAS na lang!

 

  1. Wag isiping KAWAWA ka

 

Akala ng iba, nakakaawa tayo dahil puro tayo ipon, hindi nila alam, na nasa atin ang huling halaklak

Maniwala na ang bawat pisong itinabi natin ay ang piso na magtatrabaho para sa atin sa hinaharap.

Aba, kung walang nag-iipon, kanino sila pwede umutang? Pwera biro, tandaan mo na lahat ng bagay ay pinaghihirapan at kasama na doon ang pag-impok ng pera.

 

  1. Ilagay ang GOALs sa wallet

 

Kung mas mahalaga sa iyo ang bagong bahay, eh di dapat hindi ka puro Starbucks at pasyal. Kung mahalaga sa iyo mag negosyo, panu ka makakaipon kung puro ka party!!! Ilagay ang goal sa wallet, ng mapaalalahanan ka!

 

  1. Matutong Magtiis

 

Oo!!! Tama narinig mo. Maging matiisin. Lahat ng bagay ay may “tamang panahon” ika nga. Nagsimula ka man sa piso matatapos ka ring milyonaryo. Disiplina lang!

 

  1. Wag na Magbasa ng Ganitong Post

Oo!!! Tama na ang kakabasa!!! Magsimula ka na! Natapos na ang bagong taon, natapos na ang Valentines day,  pero ang Financial Independence mo di pag nagsisimula! Gawin mo na! NOW na!

 

Mahirap talaga sa simula lahat. Pero pag natuto ka, automatic na lang ang lahat. Ang pag-iipon ay unang hakbang lamang. Syempre, gugustuhin din natin magkaroon ng ikabubuhay sa hinaharap kaya dapat alamin din natin ang mga bagay na pwede nating pasukin para mas lumago ang perang ating naipon. Pero hangga’t wala pa tayo sa katayuang iyon, ipon ipon muna!

 

Leave a comment below and share your thoughts.

I would love to hear from YOU.  =)

Also, if you haven’t done so already, be sure to sign-up for our free newsletter to receive new articles like this in your inbox each week.

Jeepney Etiquette: Mamang Drayber at Kanyang Pasahero

Ito ay mga bagay na aking napansin sa aking araw araw na pagsakay sa dyip. Bilang isang komyuter sa loob ng 8 taon, marami akong nabatid at gustong ibahagi na sana ay makarelate kayo.

 

A. Isyu sa mga Dyip at mga Drayber nito

 

1. Ang mga dyip na hari ng kalsada

Kahit stoplight go lang ng go!!! (sana mabunggo ka peste!) at para kayong nasa roller coaster.. ang bilis ng takbo… umaalog ka na.. kulang na lang pati ulo mo tumama sa ceiling ng dyip.. hahaha!!! (pabor ito sa nagmamadali at gusto ng mamatay sa nerbyos!)

 

2. Ang mga dyip na walang headlights/backlights

Kuya, gabi na po! Kung ikaw parang kwago ang mata maawa ka naman sa iba.. tapos pag binangga ka magagalit ka eh ikaw ang walang ka ilaw ilaw sa sasakyan! Ni hindi rin alam kung kakanan ka ba o kakaliwa!

 

3. Ang mga dyip na may concert

Grabe! Ang ingay na nga ng daan ang ingay pa ng pinapatugtog.. okay naman na yung radio station.. papasa na yun sa akin basta moderate volume kaso minsan may mga rappa na cd na di ko magets yung pinplay.. yung para sa mga fans ng Solidong Breezy… Sa ibang lugar na lang kayo mag-ingay pwede?

 

4. Ang mga dyip na smoke belching at driver na nagyoyosi

Eto ang pinakagigil ako! grrr!!! pwede ba sana mahuli ka na! Now na!

Ang ganda na ng upo mo, tapos biglang mag yoyosi, sa mukha mo pa umaabot yung usok. Haay!

You are polluting mother nature!! You are also polluting my respiratory system!

5. Ang dyip na hari ng kalsada 2

Para po, okay itatabi nya saan? sa GITNA ng kalsada! Manong naman gusto mo ba akong mamatay? Pakitabi nman ng maayos…

 

6. Ang dyip na mahilig magbreak

Break kasi magpapagasolina bigla… tapos ang bagal bagal pa minsan..

Eto pa titigil at makikipag-usap sa kabilang dyip ng kung anu-anu siguro pag-uusapan: kung anu yung lumabas sa karera at jai alai..

Meron din namang bibili ng buko juice o sting at cobra! Pampalakas! Yes!!!

Oh di naman kaya, titigil sa gitna ng daan para kausapin ang kabilang dyip para magpabarya. Naku ayusin niyo naman! Wag naman sa gitna!

B. Isyu sa mga Pasahero

 

1. Si pasaherong feeling sexy

Masikip na nga sasakay pa.. at hindi lang yun! Uusog pa tlga ang pwet hanggang makapasok…anak ng *** talaga!

 

2. Si pasaherong pahinhin effect

“Manong, Para po.. Para po… Para po… ”

Lakasan mo kasi ng marinig ka! Minsan alam mo na ngang bingi at matanda eh di ka pa umayos! Ikaw na ang mag-adjust!

 

3. Si pasaherong ayaw mag-abot ng sukli/bayad:

Okay fine tamad ka kasi mag-abot… you can’t flex your shoulder… pero kawang gawa na lang ate eh dyan ka pumwesto malapit sa drayber eh… wala namang mawawala sau dba?

 

4. Si pasaherong tulog-tulugan

Kuya/Ate… di po ito hotel at bahay niyo… kung antok ka matulog ka sa bahay at hindi yung hihiga ka na sa balikat ng katabi mo!

 

5. Si pasaherong pasaway

Papara sa alanganing daan tapos magagalit sa dyip pag itatabi pa ng konti..

Ate/Kuya.. tama naman si manong drayber… Papara ka kasi sa gitna eh.. Dba?

Kaunting lakad lang naman ang difference.. kung matanda ka pagbibigyan na kita pero kung hindi makakatikim ka tlga ng hmmmpp!!!!!!!!!

 

6. Si pasaherong feeling rich

Umaga pa lang tapos P100 pesos na ang bayad mo.. di naman derecho at malapit lang naman ang babaan mo? Anu feeling mo kay manong drayber? Bukas 24 hours na parang convenience store na may panukli kagad sayo? Pwde ba magpabarya ka muna! Or kung ayaw mo, manong drayber! Just keep the change!!!

 

7. Si pasaherong KSP

Ito ang mga pasaherong biglang manunuod ng TV sa dyip. Tipong ipaparinig pa sa iyo ang pinapanuod niya o di naman kaya si pasaherong may dalang music angel na ipaparinig ang playlist ng buhay niya. Okay naman pero sana minsan magdala kayo ngearphone. Maraming mura sa halagang P35 lang may mabibili na kayo.

8. Mga pasaherong sweet-sweetan

Nakakaloka! Estudyante makikita mong nagbubulungan, naghahalikan. At ito pang lalaki kung saan saan humahawak sa girlfriend niya.

Naku! Alam ba ng magulang niyo yan? Tsk Tsk Tsk. Ang pampasaherong dyip ay hindi lugar para gawin ang mga bagay na iyan!

__________

Marami pa siguro kayong ibang napapansin. Kung meron man ako nakaligtaan. Sabihin niyo lang. Nawa ay natuwa kayo sa kwentong dyip ko. Salamat!

Manong dyip! Para! Baba na ako. =)

>